RF: Madali akong mairita.

Kahit sa mga simpleng bagay lang, kahit nga sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid ko o kaya yung mga makikita ko sa mall na di ko naman kilala, madali talaga akong mainis. Yung tipong,

  • Pa-sosyal na kasabay sa jeep na naka-dekwatro pa. Jeep mo teh?
  • Mag-jowang imbes na makinig sa misa eh nag-PDA na lang ng nag-PDA.
  • Yung nagmamadali akong maglakad tapos yung nasa unahan ko naman walking in sunshine ang drama.
  • Yung sobrang lakas mag-usap sa jeep.
  • Yung mga estudyante na naka-bun tapos yung bun naman eh super sa tuktok na ng ulo. Okay lang naman sakin yun, pero parang inappropriate kasi yun sa school.
  • Yung estudyanteng mas makapal pa ang make-up sa teacher nya.
  • Yung hindi alam ang pinagkaiba ng your sa you’re. Or kahit anong wrong spelling pa yan. Sorry na, medyo grammar nazi yata ako. Pero pramis talaga eyesore yun. Tapos ipopost pa sa Facebook. :(
  • Yung gagawa lang ng Twitter o Tumblr kasi may Twitter o Tumblr din yung mga kinahuhumalingan nila sa Facebook.
  • Many many more to mention

Basta, sobrang dali kong mainis. Ugali ko na to nung elem pa. May friend nga ako sa Facebook, tapos yung title ng album nya, “Don’t judge unless your perfect”. Sa isip ko naman, I’m not perfect but I know it’s supposed to be you’re. Ugh. Grabe. Sige na. Yun lang. Basta, madali akong mairita. Yun na yun.

  1. awesamako posted this