Posts tagged :D.
Kwentong Enrollment/Prerog.
Dahil sa Thursday na ang pasukan namin, gusto ko muna ikwento ang naging experience ko sa pagpila at pag-prerog for subjects. Hehe. :D
Umalis kami dito sa Batangas ng 5:30 at nakadating sa UP ng around 7:30. Sarado pa ang ME Department kaya hintay hintay muna kaming blockmates ko sa labas. Kwentuhan, tanungan ng nakuhang subjects blah blah. Around 8am binuksan na yung building at pinapasok na kami sa isang room. After ng set-up nung mga RAs (registration assistants) pinapila kami to update yung ME Database. Sa medyo dulong part pa ako napapila at halos 20 minutes din bago ako natapos sa pag-fill-up. After nun, lumabas ako ng room at pumila naman for pre-advising. Dalawa yung lines, isa for freshies at isa para sa graduating students. Mga 8:30 pa lang nun at 9am pa ang start ng pre-advising kaya naman buti na lang at dinala ko yung Perks of Being a Wallflower kong libro (na hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos basahin, ewan ko kung bakit) Tinamad na akong magbasa kasi medyo mabanas at nakakangalay kasi nakatayo kami at nakapila at mga 8:50 na nun. Sobrang excited na akong mag-9am para magpapre-advise kasi alam kong mahaba na ang pila sa mga enlistment centers na pupuntahan ko kaya ayun. Sakto namang 9am nagstart so keri lang.
Around 9:50 eh natapos kami nina Kim at Aprylle sa pre-advising kaya naman diretso na agad kami sa enlistment center. Pare-pareho kaming wala pang Physics 71.1 (lab yun) at Math 53. Ako, wala pa ding PE at si Aprylle, wala pa ding Comm 3. Around 10:10 (eksaktong oras talaga XD) andun na kami sa enlistment center for Physics. Sabi kasi ng isa kong kaklase unahin daw yun kasi madali naman daw sa Math. Pina-scan yung ID namin kasi queuing system yung gamit at medyo naloka naman ako na 125, 126 at 127 numbers namin at nasa 46-50 pa lang yung pinaprocess. So ayun, hintay hintay. Nganga kami, in short. Mga halos 11:30 na yun at nasa 115+ na yung number kaya sobrang na-excite kami. Dejoke. Lakas ng kabog ng dibdib ko nun kasi iniisip ko kung “what if umabot kami sa lunch break?” pero mabait si Lord at di kami inabutan. Haha. Halos sabay-sabay kaming natawag at nung pagkadating ko dun sa nageenlist sabi ko “Physics 71.1 po” Tapos pinapili nya ako. Kinabahan ako kasi halos may note sa tabi na “FULL” yung karamihan ng classes kaya nung nahagip ng mata ko yung 1 slot available ng Friday 8-10 am ay sinabi ko na agad. Feeling ko sobrang bilis pa ng pagkakasabi ko, tipong wala pang 5 seconds sinabi ko na agad na “Friday po, 8-10.” Gigil na gigil talaga ako nun. Hahahaha! So yun nakuha ko na at pinirmahan na nya ang Form 5A ko. Ayos! Math at PE na lang. :D
After naming tatlo sa Physics, diretso kami sa Math building. Nakasalubong namin yung tatlo naming kaklase at sabi nila wala daw silang nakuhang Math kasi puro 10-11:15 am yung classes na may slot eh may conflict sa scheds namin. Pero pumunta pa rin kami just in case na meron pa. Pero wala. Since alas dose na nun at gutom na kami, sabi ko kumain muna kami. Pero sina Kim at Aprylle dadaan daw muna sa FC kaya ako sumama sa mga inay. Kumain kami sa Jollibee Philcoa tapos nagdiretso sa dorm. Ayun, sawi. Pwede na mag-iwan ng gamit kaso di pa pwede tirahan kasi wala pang linya ng tubig. Yun. Balak ko sana pumila muna para sa PE eh ang kaso, may rule na ngayon na dapat naka-enlist in at least 15 units para makapila. Eh 13 units pa lang ako. Sobrang paiyak pa ko nung nagtext si Kim na wala daw talagang slot sa Math. Di pa kami pwede mag-enrol kasi underload pa kami, pero sabi ko “Hindi, tara sa Math. Maghintay tayo baka may mag-cancel.” At ayun nga, mga 1pm nasa Math building na ulit kami, naghihintay ng milagro. XD
Halos isang oras na kami dun, wala. Wala pa rin. Nagpapirma na lang sila sa papel, parang petition list daw. Pero sabi ko kay Kim, wait lang. Wait lang talaga. Pag 2:30 na at wala pa din, tara kay adviser at humingi ng consent na magtake ng isa pang GE para di maunderload. 2:15, wala pa rin. 2:20, natapos na yung petition list, paubos na yung slot dun sa 10-11:15 na class pero wala pa ring nagca-cancel sa slot na gusto namin. 2:30, sabi ko sa sarili ko, wait lang. Wait lang talaga pramis. Maya-maya, nag-announce yung isang ate na meron pa daw isang slot sa TTH 2:30-3:45; WF 1-2:15 na Math 53 class! Sobrang saya ko kaya napatayo agad ako sa upuan ko at diretso sa unahan, kaso naunahan ako ng isa pang freshie. Sobrang lumaglag ang hopes ko nun. Feeling ko gusto ko na umiyak. Grabe. Grabe talaga. Saktong magpapapirma na sya ng bigla syang tumayo at sinabing hindi pala sya pwede ng ganung oras kaya naman takbo agad ako at ora-oradang ibinigay ang aking Form 5A. Sabi ko “Lord, ito na yun. Thank you po!” Nung napirmahan na ni Ate yung akin, nilingon ko si Kim at sinabing hihintayin ko sya sa labas. Ramdam na ramdam ko yung tingin sakin nung ibang naghihintay dun. Di ko alam kung naiinggit or naasar or what. Pero kiber na, meron na kong Math! At di na ako underload! Wohooooo!! Tapos ayun, naubos na ang slot sa 10-11:15 class at nag-close na ang registration for Math 53 mga bandang alas tres kaya umalis na kami ni Kim. Bumaba sya sa Eng’g at ako naman ay sa aking last stop: sa gym.
Pagdating ko sa gym, dali-dali ako kasi baka mahaba pa ang pila ganyan tsaka 3pm na nun, baka magsarado na enlistment. (okay pagbigye, freshie, praning XD) Pero nagulat ako kasi kokonti lang tao, tapos andali ko lang natapos sa pagpapaenlist. Sinabi ko lang kay ate “Ate, TTH po, 1-2 PM”. Tinanong nya ako kung ano daw PE at hindi ko alam ang isasagot ko. Di ko kasi talaga alam. Yung mga nailista kong PE hindi fit sa sched kaya nung sinabi nyang “Street Dance, okay lang?” Um-oo na lang ako kahit sa loob loob ko gusto kong sabihing “tangina sayaw na naman XD” Tinawanan pa ako ng Inay at ganun daw PE ko eh buti na yun kesa wala di ba? XD Tapos yun, pirma sa Form 5A and voila, kumpleto na! Mga wala pang 10 minutes natapos agad ako. XD
Tapos bumalik ako sa Eng’g for Form 5 printing. Nung okay na ako at tapos na din sa post advising, sobrang gumaan talaga pakiramdam ko. Sobrang saya at nakakafulfill at nakakapagod tangina. XD Ang init init tapos lakad dito, pila doon. Hintay hintay hintay nganga nganga nganga, buti talaga nagbaon ako ng patience. Dugyot na dugyot talaga itsura ko nun. Ang asim ko na, ang oily ko pa, sobrang napudpod ang tsinelas ko kalalakad, sobra. Nakakatuwang na-experience ko yung ganito. Pero pramis sobrang hirap talaga magprerog ng subjects kaya pag nabiyayaan ako ng subjects papasukan ko talaga. xD
Ayun, nakakapagod mag-enrol sa UP grabe. Pero in the end, pag kumpleto na yung subjects na kelangan mo, ang sarap lang talagang tumambling at sumigaw ng “HELLO YOOOOOOOOOOPEEEEEEEEEE!!” Kim Chui style. HAHAHAHAHAHA! Nagbayad ako sa bangko kanina, at ipapavalidate ko na lang sya bukas at enrolled nako. Hihi. :D
P.S. Ngayon lang lumabas grades namin sa Philo 1. At sobrang nakakatuwa na uno ang grade ko. Hihi. Share lang. Baka sabihin nyo nagyayabang ako (medyo, ahm partially, chos!) Pero iba lang kasi talaga yung feeling na pinaghirapan mo yung subject na yun di ba? Okay tama na. XD
HELLO SECOND SEM! :)
What I wouldn’t give to have a conversation like this with you. HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Charaught!
Blockmates! ♥ Part II
- (English time. Nagbibigay ng comments si Ma'am dun sa mga in-explain naming concepts sa klase.)
- PROF: Class, you don't tell a person personally. You tell him/her... You tell her what?
- CLASSMATE 1: FACE-TO-FACE!
- AKO: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
- (Five minutes later...)
- PROF: .... Everyone else... Everyone else...
- CLASSMATE 2: IN THE ROOM CAN SEE IT. EVERYONE ELSE BUT YOUUUUU.
- AKO: HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Panaginip. :D
And I had the sweetest dream last night.
Ewan. Paggising ko kanina, kinilig na lang ako bigla sa panaginip ko. Sa panaginip ko kasing yun, I was with someone. Siguro someone special yun sakin kasi lagi kami magkasama tapos… basta. HAHAHA. Yung unang scene nasa may hagdan kami at nag-uusap tapos pumasok daw ako sa room at sabi ko sa kanya eh itetext nya ko. HAHAHAHA. Ako pa talaga nagdemand. XD Tapos yung next scene, sakay kami ng jeep tapos extra pa blocmates ko tapos magkatabi kami ulit tapos sweet-sweetan ganyan. Ewan ko. Kinikilig talaga ako. HAHAHAHA. Pero ang alam ko hindi kami nung taong yun. Eh ano yun? PBB Teens ganun? HAHAHAHAHA. Dafuq. Pati sa panaginip ko umaabot na yang PBB Teens. XD
Tapos ayun. Ewan ko. Kung sino man yung taong yun, pakilala ka na sakin at ituloy na natin yang PBB Teens natin. Charing. HAHAHAHAHA. XD Pero yun, salamat sa panaginip ko na yun gumising akong nakangiti kanina. Charing. :D
Off to SM. Mamaya ko na ikukwento ang first week ko sa UP. Weeeeeeee! :)
05/29/12: Walking on Sunshine
Kanina, nagkaroon ng freshie tour sponsored by different orgs sa College of Engineering sa UP Diliman. Nung una, ayoko pa sumama dito kasi wala naman akong kakilala at wala ako for sure makakasama. Akala ko kasi puro Eng’g lang andun. Hindi pala. XD Mga 7am kami dumating sa Melchor Hall tapos sabi ko wala pa namang tao eh kumain muna kami. Nakabalik kami ng mga 8:15 na tapos andami na agad freshies! Nabigla naman ako though expected ko na yun kasi mga over 400 na yung nag-sign up para sa tour. Asa isang sulok lang ako nun tapos may dumating na babae, si Casey. Community Nutrition ang course nya tapos wala syang kasama din kaya sabi ko kami na lang magsama. HAHAHA. Nakaupo lang kami sa Eng’g steps tapos mga 9:45 pinapila na kami. Dun namin nakilala si Gian. PolSci major sya tapos galing pa syang Abra. Grabe! Bale 16 groups yun at dun kami sa Group H napatapat. Before mag-start, nagkaron ng konting pakilala then gora na! :D
First stop namin ay sa may ComSci building or whatever nakalimutan ko. HAHAHAHA (Sorry naman. XD) May game na konti tapos di ako sumali kasi KJ ako. XD Tapos dumaan kami sa NIGS, then sa Teletubby Land (ang kyot talaga nung tawag. lels) Tapos dun sa 2nd stop namin dun kami sa College of Science Amphitheater (okay di ko sure XD) May game ulit at di na naman ako sumali pati si Casey at Gian kasi pagod na kami nun at super init. XD After nun, sa AS yata kami pumunta. Pero dahil may naunang team samin para sa game, may nag-explain muna nung org nila. UP ALCHEMES yung org. Masaya yung game sa stop na to, Step-Eng’g Stones. Super nakakatuwa! Di na lang ako sumali kasi maliliit lang daw. (ouch XD) After ng game, nag-lunch muna kami. Kami nina Casey at Gian dun sa CASAA tapos yung iba di na namin alam. HAHAHAHA. XD Sumama samin yung dalawang Stat majors na sina Clarissa at Audrey pati yung Civil Eng’g major na si Glaiza (O diba? May circle of friends na agad ako. XD)
After lunch, diretso kami sa main lib kasi yun yung tagpuan. Nung nakumpleto na kami, diretso kami dun sa Grandstand sa may Sunken Garden. Nakakatuwa din ang game dito, yung Human Bingo. Sadly, di ko sya natapos pero si Gian at Audrey nakumpleto. HAHAHAHA. Kaloka si Gian sigaw ng sigaw ng “Oh sino dyan yung ganito ganyan?” Kaloka! XD After dun, dumaan kami sa Shopping Center then sa Area 2 tapos sa Track Oval. May game din dito kaso di ko naenjoy masyado kasi nanakit na yung paa ko :( After nun, balik kami ulit sa Eng’g kasi may station ulit dun. Masaya din yung game! Grabe! Pinabilog kami tapos nagblindfold tapos dapat magka-count off kami pero may twist. Nakailang ulit kami dito pero masaya naman sya infairness. Hihi. :D Last stop na namin yung gym. Super pagod na talaga ako dito tapos may lintog na yung paa ko, Ajujujuju. Pero nagulat ako kasi nakita namin si Sir Ramon Bautista. As in the GREAT RAMON BAUTISTA. OMG OMG OMG! Ang gwapo nya pala talaga. Ajujujujujuju. Na-starstruck ako. Si Clarissa super idol nya daw yun kaya tumakbo sila nina Gian, Audrey at Glaiza para magpa-picture. Tapos sabi ko kay Casey sama kami. Syempre, dapat solid kaming anim ng bonggang-bongga no. HAHAHAHA. Ayun, nakapagpapicture kami not once but twice. Ajejejeje. Sayang wala sa phone ko pero oks na rin kasi nakamayan ko sya. OMG OMG OMG! :”“”“> Tapos sabi nya samin “Mag-aral ng mabuti at wag muna magboboypren” HAHAHAHAHHA Grabe! Okay tama na. XD After dun, bumalik na kami sa Eng’g kasi hapon na. Tapos nagpahuli kami ng lakad ni Glaiza kasi antindi ng sakit ng paa ko talaga :(( Hindi naman ako sanay kasi sa bonggang lakaran, sorry hahahaha pero naka-survive ako kaya YES NAMAN! :D
Nagkaron ng konting parang awarding tapos nagulat kami kasi isa kami sa group na naka-at least 7 stations may prize kami na Picnic at Fit n Right. Kaso di na namin kinuha at Fit n Right na lang ang dinugas namin. Chos! After nun, picturan kaming lahat hihihihi nakakatuwa. XD Tapos ayun, uwian na. Nagbabay nako kina Casey, Gian at Glaiza kasi nauna na sina Clarissa at Audrey at magmo-Moonleaf pa daw. XD Tapos yun, uwian na. :D :D :D
Grabe talaga yung Freshie Tour na to. Akala ko mao-OP ako pero turns out nagkaron pa ko ng friends. Yes namaaaaaaaan! :D Hello kina Casey, Gian, Glaiza, Clarissa at Audrey! :D (Baka mabasa nila to kasi for sure baka isearch namin ang tumblr ng isa’t isa. Chos! XD) Ayun, kahit nakakapagod, at least nafamiliarize ko na ng konti ang sarili ko sa aking bagong tahanan, ang UP Diliman. Nuxx. :D
Ilang araw na lang, pasukan na.
Kapag last week na ng May, lagi akong naeexcite. Sino bang hindi eh malapit na mag-pasukan ulit. Makikita na ulit natin ang ating barkada, crush, enemies ganun. Tapos magkakapera na ulit tayo (WAHAHAHAHAHA) tsaka nakakaexcite yung bibili ka ulit ng mga bagong gamit. HAHAHA. Yun talaga ang inaabangan ko kapag magpapasukan. Yung pamimili ng mga school supplies. :D
Natutuwa talaga ako pag namimili kami ng gamit. Taon-taon kasi mas bumobongga yung mga designs ng notebooks kaya basta nakakatuwa mamili. Tapos nakakatuwa din pag pipili ka ng mga art materials (lalo na nung elem ako, hahahahaha!). Yung kung anong brand ng crayon, kung ilang kulay, yung mga art paper, construction paper at kung anu-ano pang paper na ilalagay sa isang plastic envelope para sa Arts. Tapos tanda ko dati bibili ako ng maliit na notebook na dun ko ilalagay yung mga assignment for the day ganun hahaha. Tapos ako yung pipili ng plastic cover kasi ayoko nung puchu puchu hahahaha. Ang arte ko sa part na yun. XD Basta ganun, natutuwa talaga ako magshopping ng school supplies.
Mamimiss ko yung pamimili ng mga gamit for school. HAHAHAHA. Eh kasi college girl na. Nakakainggit kaya yung dalawa kong kapatid na high school ang gaganda ng notebooks tapos yun. Ajujujujuju. Tapos ako isa na lang ang bibilhing notebook siguro, kasi di naman uso sa college yung isang notebook kada subject di ga? HAHAHAHA. Anyways, excited na talaga ako magpasukan at mamili ng gamit. :D
UP Diliman freshies, see you on the 11th! :)
